November 9th, 2011

Pushing Time Management To The Limit

Time Management is when you set priorities at certain tasks and spend even the tinniest minutes of your time just to be able to finish the work. It is done almost any type of people from students to businessmen and women to housewives. It is basically scheduling everything you do from the 24 hour span of the day.

Story Telling

Habang naghihintay kami ni Ian sa sakayan ng bus, biglang bunuhos ang ulan. At pagkarating ng hinihintay naming bus, agad agad kaming pumanik upang hindi kami maubusan ng mauupuan. Napapunta kami sa kaduluduluhan ng baby bus. At habang sumasabay kami sa pagkanta ni Bamboo ng Liwanag Sa Dilim sa radyo ng bus, napansin namin na may hinahablot ang babaing nakaupo sa upuang kaharap namin lamang. Biglang napadilat ang aking dalawang mata! Si ateng naka-violet, magla-laptop sa ganitong oras, sa ganitong panahon, at sa ganitong lugar! :O
Bigla akong napa-isip at…wala pa ata akong nakitang nag-laptop sa loob ng bus sa buong buhay ko. Agad kong inilapit ang aking bibig sa tainga ni Ian at binulong— “…paanu kaya kung bumilis ang takbo nitong bus at agad na huminto?…” XD
Sabihan niyo na kaming ‘usi’ pero hindi talaga namin napilitang tignan ang ginagawa ni ‘ateng naka-violet’. Huwag ninyo kaming sisihin dahil nakiki-usi rin namang ang mga babaing katabi namin sa kaduluduluhan ng bus. Pa-simple pa sila.
Ngayon, ang ginagawa ng ateng naka-violet. Habang nauga-uga ng konti ang bus na aming sinasakyan, maingat na ipinasok Ni ateng naka—- itago na nga lang natin siya sa pangalang ‘Emily’—- Ngayon, si Emily, naipasok na ang isang mahiwagang CD sa kanyang laptop na nakamilutan ko nga pa lang sabihin na isang Acer na MacBook Pro look-a-like. Patuloy ang malakas na buhos ng ulan at pag-uga ng bus. Binuksan ni Emily ang isang folder na naglalaman ng mga larawan. Iniisa-isa niya itong binuksan. Mukhang isang wedding photographer ang ating Emily. Puro litrato ng dalawang bagong kasal na mag-asawa ang nilalaman ng mahiwagang CD. At kapag naka-tabingi ang isang larawan, hindi niya ito niro-rotate 90 degrees Counterclockwise. Ang mismong ulo niya ang tinatabingi niya ng 90 degrees Counterclockwise. At ganoon din ang aming ginawa. At ganoon rin naman ang ginawa ng mga usiserang babae na katabi namin sa kaduluduluhan ng bus. Mukhang humihina na ang ulan. At ng matapos na si Emily sa pagtingin ng mga larawan dali-dali niyang shinut down ang kanyang laptop at inayos ang kanyang mga kagamitan at inilagay ang mga ito sa isang malaking plastic bag. Binalaan na ako ni Ian dahil lumagpas na ang bus sa aming bahay at hindi pa tapos sa pag-aayos si ate Emily. Sinadya ko ata yun. At nang matapos na siya talaga, doon na ako nag-para.
Biglang balik ang buhos ng malakas na ulan na sa aking pagkaka-akala ay patila na kaya ko inilagay ang aking payong sa loob ng aking bag at hindi na ako naka-handa pang muli. Agad agad kong nilusob ang malakas na ulan papunta sa aming bahay. Nalaman kong naka-kandado pala ang aming gate kaya hinahap ko ang mga susi sa aking bag. Bigla may sumakit sa aking bladder kaya napadali ang paghahanap sa mga susi. At nang nahanap ko na sa wakas ang susi sa kandado at nabuksan ang gate, dali-dali kong pinuntayan ang banyo. Pagkatapos, pumunta na rin ako sa aking kwarto at nag-palit ng damit. Kinuha ko naman ang aking iPod Touch at pumunta sa Scatter Brain at doon ko nga isinusulat at kwentong ito, ngayon.

Sa encounter namin non ni Ian at ng babaing naka-violet na damit nalaman ko na meron talagang mga taong sinasagad ang kanilang Time Management at itataya ang kaligtasan ng kanilang laptop upang matapos lamang ang kanyang gawain.

November 8, 2011

Harry Potter - Golden Snitch qrcode free counters